Skip to main content

ACWD Service Vehicles, Binasbasan

Binasbasan ngayong umaga, ika-8 ng Agosto 2023 ang tatlong service vehicles at equipment ng Alaminos City Water District, kabilang ang isang elf truck with boom at dawalang motorsiklo sa ACWD Pogo Motorpool.
Ginanap ang simpleng seremonya sa pamumuno ni General Manager Atty. Napoleon F. Segundera, Jr. kasama ang mga miyembro ng Board of Directors sa pangunguna ni BOD Chairperson, Ret. Col. Manuel V. Velasco at mga kawani ng ACWD. Ang mga bagong sasakyan ay binasbasan ni Rev. Father Napoleon Molano III.
Ang bagong elf truck with boom ay malaking tulong upang mapabilis ang pag-pull out ng mga submersible pump at motor at riser pipes kung sakaling ito ay masira at i-repair o kailangang palitan, ganun din sa pagkumpuni ng mga linya ng tubig na tumatawid sa mga tulay.
Samantala, ang mga motorsiklo naman ay kakabitan ng sidecar (garong) para sa mabilis na pagresponde ng mga tubero kapag magkaroon ng tagas sa linya ng tubig at pagkakabit ng mga bagong linya ng tubig.

Stay informed

Don't hesitate to contact us.

Official Website of Alaminos City Water District