Flag Raising Ceremony na Isinagawa sa ACWD Pogo Office Grounds

Sinalubong ng Alaminos City Water District (ACWD) ang pagpasok ng panibagong buwan sa pamamagitan ng isang Flag Raising Ceremony na isinagawa sa ACWD Pogo Office Grounds ngayong ika-3 ng Agosto 2020, pagsapit ng 7:30 ng umaga. Ito ay dinaluhan ng General Manager, Department at Division Heads, at mga Regular at Job Order na kawani ng ahensya na pawang nakasuot ng face masks at face shields at pinanatili ang social distancing sa kabuuan ng programa. Ang nasabing pagtitipon ang kauna-unahang Flag Raising Ceremony ng ACWD simula ng ipatupad ang malawakang Community Quarantine noong Marso.

Taos-pusong inawit ng mga kawani ang Lupang Hinirang at Pangasinan Hymn; at bilang paalala sa kanilang mga tungkulin, sabay-sabay nilang binigkas ang Panunumpa ng Lingkod-Bayan, ACWD Mission and Vision, Quality Policy, at Core Values. Matapos nito, binigyang-pagkilala ang mga newly regularized at newly promoted na mga empleyado ng ACWD.

Sa kanyang dagliang mensahe, binigyang-diin ni ACWD General Manager Atty. Napoleon Segundera, Jr. ang importansya ng dedikasyon sa trabaho at pagkakaisa sa pagkamit ng layunin na mas mapabuti pa ang serbisyo ng Water District. Pinasalamatan din niya ang mga kasamahan dahil sa kanilang patuloy na pagpupursige na umani ng kanilang ISO Certification at kamakailan lamang ay ng ikalawang Unmodified Opinion para sa kanilang maayos na prosesong pinansyal mula sa Commission On Audit – Regional Office 1 (ang pinakamataas na opinyon na maaaring matanggap mula sa COA). Bagamat karapat-dapat itong ipagdiwang, nilinaw ni GM Jojo na ang natanggap na parangal ay simula pa lamang ng pag-angat ng ACWD at kanyang pinahapyawan ang mga nakalatag na plano ng ahensya para sa mga darating na buwan at taon.

Natapos ang Flag Raising Ceremony sa ganap na 8:00 ng umaga at dali nang nagtungo ang mga kawani sa kanilang mga opisina at istasyon para simulan ang panibagong linggo ng matapat na paninilbihan sa publiko.

Stay informed

Don't hesitate to contact us.


Copyright © 2020. Alaminos City Water District. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!