PABATID SA PUBLIKO: Huling Araw ng WALANG MULTA AT WALANG PUTOL ay sa HULYO 31, 2020

Nais naming ipaalala sa lahat ng ACWD concessionaires ang mga sumusunod:

• Ang huling araw ng WALANG MULTA AT WALANG PUTOL ay sa HULYO 31, 2020 (BIYERNES). Ang usual penalty rates ay muling ipapataw para sa late payments simula Agosto 1, 2020. Mangyaring bayaran ang inyong water bills bago ang due dates para maiwasan ang abala.

• Tumatanggap na muli ng APPLICATION FOR NEW WATER SERVICE CONNECTION simula NGAYONG ARAW, HULYO 1, 2020 (MIYERKULES). Mangyaring magtungo sa aming Main Office sa Brgy. Poblacion, Alaminos City para sa Orientation tuwing Martes at Huwebes, 9 AM to 10 AM, at pakihanda ang mga kakailanganin:

– Orihinal at photocopy ng Land Tax Declaration

– Kung ang Aplikante ay HINDI ang deklaradong may-ari ng lupa:
A. Kopya ng Marriage Contract / Certificate, kung asawa ng may-ari
B. Notarisadong Deed of Absolute Sale, kung hindi pa nailipat ang titulo ng nabiling lupa (dalhin ang orihinal na kopya)
C.
1. Authorization / Consent mula sa may-ari o tagapagmana ng lupa
2. Kopya ng Valid ID ng May-Ari o Tagapagmana ng Lupa
3. Barangay Certification
– Death Certificate, kung ang deklaradong may-ari ay patay na
D. Kopya ng Lease Contract / Rental Agreement

– Photocopy ng Isang (1) Valid ID na may Litrato ng Aplikante (dalhin ang orihinal na kopya)

– Sketch o Drawing ng Lokasyon na nagpapakita ng Dalawang (2) pinakamalapit na kapitbahay na may water connections (humiram ng 2 water bills)

– Authorization Letter (para sa kumakatawan sa Aplikante)

– Orihinal na Building Permit (para sa new o ongoing construction)

– P2,500.00 Service Fee

Stay informed

Don't hesitate to contact us.


Copyright © 2020. Alaminos City Water District. All rights reserved.

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!