
The GM’s Year-end Message
By: Atty. Napoleon F. Segundera, Jr., General Manager
Isang magandang hapon sa ating lahat at welcome sa ating Year End 2021 Review and Strategic Business Planning for the Year 2022. Sumatutal, welcome sa ating Year End Thanksgiving and Fellowship na inihahandog po natin sa lahat ng kasama natin sa ating tanggapan.
Tutal binigyan nyo ako ng puwang sa ating programa, sana po ay pahintulutan ninyo ako ng ilang minuto ng inyong oras, upang mailahad ko ang aking maikling mensahe para sa inyong lahat.
Bago po iyon, nais kong bigyang pugay at pasasalamat, ang kasalukuyang bumubuo ng Board of Directors ng ating tanggapan. Yan po ay sina Ret. Col. Emannuel Velasco, Dir. Alexander Ang, Dir. Marina Terado, Dir. Sylvia Navarro-Inacay, at Dir. Fely Ragudos-De Leon. Ako po ay magpapasalamat sa inyo, sa tiwala na inyong ipinagkaloob sa amin, na maayos naming ipapatupad ang mga programa ng Distrito, ayon sa nararapat at wastong pamamaraan, at ang paniniwala na ang programang aming inilatag ay para sa kabuoang pagsasaayos ng ating serbisyo. Ang matiwasay na pagsasama at panunungkulan ang pangunahing hakbang upang maabot natin ang ating mga layunin, lalo na tungo sa pinag-isang pakay, na maging primerong tagapamahagi ng tubig sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Sa ating mga department heads, division heads at executive assistants, maraming salamat sa patuloy na pag gabay sa inyong mga nasasakupan, at pagpapatupad ng mahusay na liderato, sa inyong mga departamento, dibisyon at opisina. Kayo ang kamay na humuhubog sa ating mga empleyo, at ang mga panghunahing may pananagutan para sa kanilang mga gawain. Isang taos-pusong pasasalamat sa inyo, sa mapayapang pagsasama at maayos na pamamalakad.
Nais ko rin bigyan pugay at pasasalamat ang mga iba’t-ibang sangay ng ating tanggapan, at ang mga kawaning bumubuo nito.
Uunahin ko na po ang aking mga ka grupo sa GC ng WPD, ang ating mga operators, na silang nangangasiwa sa ating mga pump stations, kahit dis oras ng gabi. Lingid sa kaalaman ng iba, sila po ay 24/7 sa ating mga istasyon, upang masiguro na patuloy ang ating supply ng aing patubigan.
Ang ating mga plumbers at field personnel, na nanggagaling sa CMD at CS Divisions, pati na rin ng kanilang mga respective heads, na si ma’am Adora Bravo at Engineer Maricel Adrejilo at Excellent Sarmiento. Sila po ang mga punong abala sa pagpanatili na ang mga reklamo at report ng ating natatanggap kapag may sirang linya, bumigay na cluster, wala o mahinag tubig, eh sila po ang nangangasiwa. Nasa kamay nila ang pag responde sa lahat ng reklamo, sa buong 166sq.km area ng Alaminos City, kasama na ang limang barangay ng Mabini.
Ang ating frontline personnel na humarap sa lahat ng reklamo o katanungan ng ating mga parokyano, sa pamumuno nina Ma’am D, Ma’am M at Ma’am Kristine. Kasama na po dyan ang meter readers, customer service personnel and tellers, na alas siyete palang ng umaga ay nakangiti na para batiin ang mga customer na nais dumulog sa ating tanggapan.
Ang ating finance department, sa pamumuno nina Joseph, Ricky at Marie, na pinapanatili ang kaayusan ng ating mga talaan, wasto at nasa tamang oras ang mga ulat sa kinauukulan, pinag iingatan ang ating yaman, maaga at hindi nahuhuli ang pasweldo sa ating mga kawani, pati na rin ang per diem ng ating mga director.
Ang ating Admin and HR services department, sa pamumuno ni Sir Balong at Ma’am Amanda, na pinapanatili ang kaayusan ng ating mga opisina, pump houses, inventory, hiring, learning and development, at paniniguro na lahat ng kailangan ng ating mga kawani, lalo na nung panahon ng pandemya, ay agarang natutustusan.
Syempre, nais ko din banggitin at pasalamatan ang aking mga kasama sa opisina, na sina Ma’am Ruth, Joyce, Pat, Jubilee at Celso. Salamat sa inyo, alam nyo na yun.
Nararapat lang tawagin ang ating payak na pagtitipon na strategic review, business planning at thanksgiving. Bakit, importante nating balik tanawin ang ating mga pinagdaanan, pagsubok, hamon at tagumpay, upang mai-plano ang ating mga balak at panukala para sa pagpapabuti ng ating tanggapan.
Let us respect the past, and prepare for the future by taking action in the present.
Bilang pagtatapos, nais ko pong humingi ng dispensa at patawad, sa lahat ng aking napagsabihan at nakagalitan. Wala pong rason at katuwiran ang aking pagkukulang, kung kaya’t po at buong kababang loob na ako ay humihingi ng inyong dispensa at pagpapatawad.
Isang buong pusong pasasalamat sa inyong lahat at sa ating Maykapal, na tayo ay binigyan ng pagkakataon na magkasama para sa isang siguradong masaya at makabuluhang okasyon ngayong hapon na ito. Maraming salamat po!